Frat war: 4 katao utas
April 17, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng apat-katao kabilang na ang isang alagad ng batas makaraang sumiklab ang kaguluhan sa masayang sayawan kung saan nagbarilan ang magkalabang fraternity sa Barangay Pagsabungan, Mandaue City kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Luis Dimpas III, 27, miyembro ng Alpha Kappa Rho (Akrho); Edna Inowe, 33; Jomar Canete, 21, miyembro ng Tau Gamma Phi; at si PO1 Herminio Caylan ng Police Regional Mobile Group (PRMG).
Si PO1 Caylan ay namatay habang ginagamot sa Cortes General Hospital dahil sa tama ng bala sa likurang bahagi ng kanyang katawan habang hindi naman umabot sa nasabing ospital ang tatlo pang biktima.
Samantala, sugatan naman si Phoebe Lumagas, 24, na ngayon ay ginagamot sa Mandaue City Hospital.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang kaguluhan dakong alas-2:30 ng madaling-araw kung saan nagkita sina Dimpas at Canete sa sayawang ginaganap sa Lower Hermag ng nasabing barangay.
Sa hindi inaasahang pagkakataon matapos na magkomprontahan ang dalawa ay nagbunot ng baril si Dimpas saka inupakan si Canete na agad naman bumulagta. Lumitaw rin sa pagsisiyasat na rumesponde si PO1 Caylan matapos nitong marinig ang serye ng putok ng baril na nagmumula sa sayawan.
Imbes na sumuko si Dimpas ay nakipagbarilan at napatay ni PO1 Caylan, subalit lingid sa kaalaman ng pulis ay may kasama pa si Dimpas na armado rin ng baril at umalagwa ang karit ni kamatayan hanggang sa nadamay si Inowe nang tamaan ng ligaw na bala. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest