^

Probinsiya

Trak hulog sa bangin: 8 patay, 40 sugatan

-
CAMP CRAME — Karit ni kamatayan ang sumalubong sa walong sibilyan habang apatnapu pang iba ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang sinasakyan nilang trak sa malalim na bangin sa Sitio Alimodian sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Anita Condez, 43; Merlita Calamba, 45; Ricardo Cantomayor, 70; Charles Campano, Eugene Alicante, dalawang menor-de-edad mula din sa pamilya Campano at isang ’di kilalang lalaki.

Isinugod naman sa Cotabato Provincial Hospital at Davao City Hospital ang mga sugatang biktima kung saan 13 naman sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan.

Nabatid na naitala ang sakuna bandang alas-2 ng madaling-araw habang lulan ang mga biktima ng Isuzu Elf truck para dumalo sa libing ng kaanak sa Barangay Imelda nang mawalan ng preno ang nasabing sasakyan at tuluyang mawala sa giya ang drayber na si Ronnie Cagud kaya nagtuluy-tuloy sa bangin ang trak.

Ayon kay Matalam Police Chief Inspector Elias Colonia, sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at multiple injuries ang driver ng truck habang patuloy ang imbestigasyon. (Edwin Balasa)

ANITA CONDEZ

BARANGAY IMELDA

CHARLES CAMPANO

COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

DAVAO CITY HOSPITAL

EDWIN BALASA

EUGENE ALICANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with