‘Kokak’ na sanggol isinilang
April 11, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Isang sanggol na lalaki na animo’y palaka ang isinilang noong Biyernes Santo ng gabi sa Escalante City, Negros Occidental
Subalit hindi rin tumagal ang buhay ng sanggol na palaka at hinatak na ni kamatayan kamakalawa ng umaga dahil sa maselan nitong kalagayan.
Batay sa ulat, ang sanggol ay anak ng mag-asawang Alex at Leonisa Mabida na pawang residente ng Barangay Mansablay ng nasabing bayan.
Napag-alaman na ipinanganak ang sanggol noong Biyernes Santo ng gabi sa Sitio Cabalawan, Poblacion, Sagay City at ayon sa doctor ay dumaranas ito ng congenital defect na anencephaly
Sinasabi din sa ulat na ang sanggol ay ipinanganak na walang cerebral hemispheres o bungo, walang kilay at ang mga mata ay nakaalsa na katulad ng palaka.
Ayon kay Negros Occidental Provincial Health Officer IV Luisa Efren, ang kaso ng sanggol ay maihahalintulad sa anencephallus, pagkakaroon ng depekto ng neutral tube na nakukuha sa pagkabigong magsara ng cephalic end ng neutral tube dahil sa kawalan ng malaking bahagi ng utak at bungo kung kaya’t naka-expose lamang ang ibang bahagi ng utak nito.
Ang mga batang isinilang ng ganitong kalagayan ay kadalasang bulag, pipi, unconscious at hindi nakakaramdam, ayon pa sa mga doktor.
Ayon sa ina ng bata, posibleng naging depekto ng sanggol ang pagkakadulas nito minsan ng siya ay nagbubuntis pa at ang ikalawa ay ang paglilihi nito sa palaka. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest