Laguna massacre: Mag-asawa, anak utas
April 10, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna  Bayolenteng kamatayan ang sumalubong sa tatlong miyembro ng pamilya makaraang mag-amok at pagbabarilin ng nag-iisang lalaki na umano’y sinapian ng masamang espiritu sa Barangay Bautista, San Pablo City, Laguna, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas Jr., Laguna police director, ang mga nasawing mag-asawang sina Alfredo at Estella Fernandez, na kapwa 45-anyos at anak nitong si Jonel, 11, samantalang sugatan naman ang isa pang anak na si Daniel, 17, na pawang residente ng nasabing lugar.
Arestado naman ang suspek na nakilalang si Rogelio de Luna, 45, residente rin ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, bandang alas-6 ng umaga nang pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima at wa lang habas na pinagbabaril ang mag-anak gamit ang kalibre 38 baril at isang sumpak.
Sa naging salaysay ni Daniel sa pulisya, nagmamadali ang suspek sa pagpasok sa kanilang bahay habang pasigaw na sinasambit ang katagang  "Hinahabol ko ang mga aswang."
Nasaksihan ni Daniel, ang suspek habang pinagbabaril ang kanyang ina sa mukha habang nakatakbo naman ang kanyang ama, subalit nalagutan din ng hininga may ilang metro ang layo sa kanilang bahay sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Tama rin ng bala ng baril sa ulo ang kumitil naman sa batang kapatid ni Daniel na si Jonel.
Bagamat sugatan din sa kanyang hita, nagawa na lamang mag-patay-patayan ni Daniel habang nakalugmok sa sahig ng kanilang bahay bago ito iwanan ng suspek.
Mabilis namang nagsagawa ng isang manhunt operation ang San Pablo PNP hanggang sa masukol ang suspek sa bahay ng kanyang kapatid na si Adelia Funtanilla sa JP Rizal St., Barangay Masili, Paete Laguna bandang alas-7:30 ng gabi.
Isinuplong ni Adelia ang kanyang kapatid matapos malamang sangkot ito sa pamamaslang sa nabanggit na pamilya sa San Pablo City. (Arnell Ozaeta, Edwin Balasa at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended