^

Probinsiya

Ambush: Pulis dedo, 4 pa sugatan

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Tinambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang grupo ng mga alagad ng batas na rumesponde sa pananabotahe ng mga rebelde sa minahan na nagresulta sa pagkasawi ng isang pulis habang apat naman ang nasugatan sa pagitan ng mga Barangay Lanang at Loy-a sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO1 Christopher Accnam, samantala, ginagamot naman sa Masbate Provincial Hospital sina PO1 Emilio Gudaran, PO1 Arnel Gazzingan, PO1 Jose Simon at PO1 Tristan Vergel Sublasa na pawang miyembro ng Special Action Force ng PNP na nakatalaga sa Aroroy, Masbate.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Ricardo Padilla, rumesponde ang grupo ng biktima sa Filminera Mining Corporation sa Barangay Puro kung saan napaulat na sinunog ng mga rebeldeng NPA.

Sakay ng pick-up ang mga biktimang nang ratratin ng mga rebeldeng nakaposisyon sa magkabilang tulay ng Cabuloan hanggang sumiklab ang madugong bakbakan.

May teorya ang pulisya na tumatanggi ang may-ari ng minahan na magbigay ng revolutionary tax sa NPA kaya isinagawa ang pananabotahe. (Ed Casulla)

ARNEL GAZZINGAN

AROROY

BARANGAY LANANG

BARANGAY PURO

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER ACCNAM

ED CASULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with