Droga sa 2 parcel nasabat, lalaki huli

CAVITE, Philippines — Arestado ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lalaki nang tanggapin nito ang idineliver na ipinadalang 2 parcel na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana, kamakalawa sa Brgy. Gavino Maderan, GMA, dito.
Kinilala ang suspek sa alyas “Jonathan,” 32-anyos at residente ng Pasay City.
Base sa ulat ng PDEA, isinagawa nila ang interception operation matapos na makita ang kahi-hinalang 2 parcel na ide-deliver sa suspek.
Alas-7 ng gabi nang maaresto ang suspek makaraang tanggapin nito ang 2 parcel sa pamumuno ng PDEA Seaport Interdiction Unit- Batangas at PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1.
Pagbukas ng delivery package ay tumambad ang may 80 gramo ng marijuana brownies at 60 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Aabot sa mahigit kumulang sa P15,000 na talaga ng droga ang nakumpiska mula sa suspek.
- Latest




















