CAMP CRAME  Nilusob bago pinasabog ng rebeldeng New People’s Army ang cell site ng Globe Telecommunications kung saan araw ng ika-38 anibersaryo ng mga rebelde kamakalawa ng gabi sa bayan ng Marihatag, Surigao Del Sur. Sa ulat ni P/ Chief Supt. Antonio Dator, Caraga regional police director, naitala ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi matapos na puwersahang buksan ang gate ng cell site ay tinaniman ng pampasabog ang paligid nito. Bukod sa naging pinsala ng cell site ay wala namang naiulat na nasawi o nasugatang nagbabantay. Base sa talaan, ikalimang cell site ng Globe na ang sinasabotahe ng NPA sa taong kasalukuyan.
(Edwin Balasa) 4 kandidato sa pagka-gobernador |
LEGAZPI CITY  Apat na kandidato kabilang na si Presidential Chief of Staff Joey Salceda, ang maglalaban-laban sa pagka-gobernador sa Albay sa nalalapit na May 14 elections. Kabilang sa mga kandidato sa governatorial race na nasa talaan ng Comelec ay sina Stephen Bichara (Independent) ; Noel Quiapon (Independent); reelectionist Governor Fernando Gonzales (Lakas-CMD); at si Joey Salceda (Independent). Napag-alamang isinumite ni Atty. Rodolfo Bunafe, ang certificate of candidacy (CoC) ni Salceda sa Comelec sa Albay kamakalawa. Hindi naman makapaniwala ang taumbayan sa pagiging Independent candidate ni Salceda dahil siya ang provincial chairman ng Kampi sa Albay. Wala namang maibigay na impormasyon ang kampo ni Salceda tungkol sa nabanggit na isyu.
(Ed Casulla) Mga ‘manok’ ng LP lumarga |
LUCENA CITY  Sisiguruhin ng Liberal Party (LP- Drilon Wing) na mananalo ang mga kandidato nila sa Quezon sa pamamagitan ng paglalatag ng magaganda at kapaki-pakinabang na mga plataporma. Tiniyak ito sa press conference ni Rep. Raffy Nantes ng 1st district ilang oras matapos na siya ay opisyal na mag-file sa lokal na Comelec kamakalawa ng kandidatura sa pagka-gobernador ng Quezon. Kasama rin sa plano ni Nantes ang pagtatayo ng International Container Port sa Reina area na magbibigay ng malaking opurtunidad sa aspeto ng trabaho, turismo at income para sa probinsya. Kabilang sa nagsumite ng kandidatura ay sina ex-Governor Eddie Rodriguez bilang bise-gobernador; mga reelectionist Rep. Procy Alcala ng 2nd district; Rep. Erin Tanada ng 4th district; Mayor Victor Reyes ng 3rd district; Vice Mayor Don-Don Alcala bilang alkalde; Bernard Tagarao bilang vice mayor na pawang nasa ilalim ng Liberal Party.
(Tony Sandoval)