2 tulak arestado

BATAAN — Kalaboso ang binagsakan ng magkaibigang lalaki makaraang makumpiskahan ng bawal na gamot sa Comelec checkpoint sa bayan ng Mariveles, Bataan kamakalawa. Hindi na nakapalag ang mga suspek na sina Gil Ramos at Eugene Paguio na kapwa nakatira sa Bonifacio Street, Barangay Poblacion, Mariveles. Ayon kay P/Insp. Ronnie Fabian, ang mga suspek ay sakay ng Honda Civic (UCJ-321) nang parahin ng pulisya sa bahagi ng Roman Highway na sakop ng Barangay Alas-asin. Napag-alamang bago sumapit sa checkpoint ang sasakyan ay namataan ng isa sa nagbabantay na pulis na may itinapong maliit na plastic sachet ang isa sa dalawa kaya naghinala na shabu ang laman nito. Agad namang pinahinto ang dalawa saka kinapkapan hanggang sa makumpiska ang ilang sachets ng shabu. (Jonie Capalaran)

Show comments