6 arestado sa pekeng dolyares
March 25, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna  Anim-katao kabilang na ang isang Customs police na miyembro ng sindikato sa pame meke ng dolyares ang dinakma ng mga alagad ng batas sa isinagawang checkpoint operation sa Tagaytay City noong Biyernes ng umaga.
Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Lorna S. Estores, 60, ng Barangay Salcedo, Novaleta, Cavite; Violeta M. Caribal, 57, ng Rosario, Cavite; Erickson S. Celestino, 35, drayber, ng #17 Dinar Street, Villa Arca II, Project 8, Quezon City; Crisanto A.Nazareno, 34, ng #838 Ave Maria St., Rosario, Cavite; Richard A.Solis, 35, ng #155 Brgy. Bagbag, Rosario, Cavite; at si Angelito H. Astores,64, Customs police, ng Bautista St., Barangay Sampaloc II, Dasmariñas, Cavite.
Ayon kay P/Supt. Ferdinand R. Quirante, hepe ng Tagaytay PNP, bago masakote ang mga suspek, nakatanggap ng impormasyon ang Indang PNP na may isang grupo na lulan ng puting Isuzu Crosswind (TYE-181) na nagpapakalat ng pekeng US dollars sa ilang bayan sa Cavite.
Kaagad naman nagtayo ang Tagaytay PNP ng checkpoint sa posibleng pagdaanan hanggang sa masukol ang tatlong suspek sakay ng Isuzu Crosswind sa Barangay Maitim 2 East, Tagaytay City bandang alas-11:40 ng umaga.
Nabatid na ang plaka ng Isuzu Crosswind na ginamit ng mga suspek ay nakarehistro sa pampasaherong jeepney base sa beripikasyon sa Land Transportation Office (LTO).
Agad naman dinakma at dinala sa himpilan ng pulisya sina Estores, Caribal at Celestino matapos mahulihan ng 42 pirasong pekeng $100 bill at dalawang pirasong $1.00 bill.
Habang iniimbestigahan ang tatlo, binalak na aregluhin ni Astores si Col. Quirante kapalit ng kanilang kalayaan kaya pinaunlakan naman ang kahilingan ng tatlo.
Lingid sa tatlo ay may nakaambang entrapment si Col.Quirante sa grupo hanggang sa dumating ang kasabwat ng tatlo na sina Astores, Nazareno at Solis sa himpilan ng pulisya bitbit ang malaking halaga.
Nakaantabay naman sina SPO1 Rafael Aceron, PO2 Elranie Nuestro, PO2 Leonides Mendoza at PO1 Maricel Tabinas sa entrapment hanggang sa maaktuhang iniaabot ang P.2 milyon ng tatlo kay Col. Quirante bilang suhol sa pagpapalaya sa kanilang kasamahan sa sindikato kaya sama-sama ang anim sa rehas na bakal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest