^

Probinsiya

77 bayan sa Bicol hotspot

-
CAMARINES NORTE — Umaabot sa 77-munisipalidad sa Kabikulan ang itinuturing ng PNP at AFP na hotspot sa nalalapit na mid-term May 14 elections. Napag-alamang 66 bayan sa Bicol ay nasa ilalim ng "areas of immediate concern", samantalang aabot naman sa 11 bayan ang nasa talaan ng "areas of concern".

Sa Camarines Norte ay may 12 bayan ang nasa ilalim ng "areas of immediate concern," samantala, sa Camarines Sur naman ay 19 na bayan ang "areas of immediate concern".

May 11 bayan naman sa Albay, Sorsogon, Masbate, bilang "areas of immediate concern habang apat na bayan ay "areas of concern."

Base sa record ng PNP, sa kabuuang 3,471 barangays sa Bicol, umaabot naman sa 2,281 barangays ang nasa watchlist ng PNP habang ang natitirang 1,190 barangays ay nasa pangangalaga naman ng AFP.

Napag-alamang inilunsad na ang Task Force HOPE (Honest, Orderly and Peaceful Election) upang mapigilan ang nakaambang pagsiklab ng kaguluhan sa Kabikulan sa nalalapit na May 14 elections, ayon kay P/Chief Supt. Ireneo Manaois, deputy regional director for administration.

Samantala, nanawagan si Col. Jose Pardo, spokesperson ng 902nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa mga pulitikong kakandidato na huwag magbigay na anumang halaga sa NPA. (Francis Elevado)

BICOL

CAMARINES SUR

CHIEF SUPT

FRANCIS ELEVADO

INFANTRY BRIGADE

IRENEO MANAOIS

JOSE PARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with