^

Probinsiya

7 suspek sa pagpatay sa bank exec, tugis

-
CABANATUAN CITY — Malawakang dragnet operation ang ikinasa ng pulisya laban sa pitong kalalakihan na pangunahing suspek sa pananambang at pagpatay ng isang bank manager sa bayan ng San Isidro, Nueva Ecija at ikinamatay pa ng isang babaeng by-stander noong Martes ng Marso 13.

Kabilang sa mga suspek na tugis ng pulisya ay sina Rolly Adriano, 33, ng Barangay Dolores, Magalang, Pampanga; Abba Santiago at Lean Adriano, kapwa naninirahan sa Barangay San Agustin, Arayat, Pampanga.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkikilanlan ng apat na iba pang mga suspek sa pananambang laban kay Danilo Cabiedez, 56, branch manager ng Bangko Luzon sa San Isidro, Nueva Ecija, na ikinamatay rin ng babae na si Ofelia Bulanan, 45.

Nabatid na agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa nasabing bayan kaya’t nabatid ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong double murder. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ABBA SANTIAGO

BANGKO LUZON

BARANGAY DOLORES

BARANGAY SAN AGUSTIN

CHRISTIAN RYAN STA

DANILO CABIEDEZ

NUEVA ECIJA

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with