^

Probinsiya

$1.2-M industriya itatayo sa Subic

-
SUBIC BAY FREEPORT ZONE – Tinatayang aabot sa $1.2-milyong negosyo ang nakatakdang itayo ng Wooju Incorporated sa industrial complex sa Bubic Bay Industrial Park sa mga darating na araw. Sinabi ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Feliciano Salonga, na isa ang kompanyang Wooju sa dumaraming mga project proposal na kanilang natatanggap mula sa mga mamumuhunan sa ibang bansa, lalo na sa South Korea.

"Sa ngayon, ang mga Koreano na may 26 kompanya ay ikaapat sa pinakamalaking komunidad sa Subic Bay Freeport, habang nangunguna pa rin ang Taiwanese na may 46 kompanya, sumunod ang USA at Japanese, na may 30 at 34 kompanya, ayon sa pagkakasunod," pahayag ni Salonga.

Pangunahing produkto ng Wooju Inc. ay mga electrical equipment kabilang ang circuit breaker, control panel, switch gear at iba pang produktong gamit sa kuryente, instilasyon , konstruksyon ng electrical, technical systems at gusali. Ayon naman kay SBMA Administrator Armand C. Arreza, ang pagdami ng mga interesadong Koreano sa Subic Freeport ay bunsod ng pagtatalaga ng Hanjin Heavy Industries Corporation Ltd., isa sa pinakamalaking shipyard sa mundo sa halagang $1bilyon.

vuukle comment

ADMINISTRATOR ARMAND C

BUBIC BAY INDUSTRIAL PARK

CHAIRMAN FELICIANO SALONGA

HANJIN HEAVY INDUSTRIES CORPORATION LTD

KOREANO

SOUTH KOREA

SUBIC BAY FREEPORT

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with