Katahimikan binasag ni Obet Pagdanganan
March 4, 2007 | 12:00am
BULACAN  Matapos ang 40-araw na pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang nag-iisang anak na lalaki, binasag ni dating Gobernador Roberto Pagdanganan ang kanyang katahimikan para ipakilala ang kanyang magiging running mate sa pagtakbo bilang gobernador sa darating na halalan.
"Ilang araw na lang ay ipakikilala ko na sa inyo ang aking makakasama sa kampanya bilang vice governor," pahayag ni Pagdanganan nang makapanayam sa telepono noong Biyernes.
Hindi pa nagbigay si Pagdanganan ng anumang pagkakakilanlan sa kanyang magiging running mate, bagkus ang sinabi nito na may integridad, may kakayahan at tapat sa serbisyo ang kanyang makakasama.
Bilang provincial chairman ng Lakas-CMD sa Bulacan, si Pagdanganan, ang standard bearer ng partido sa Bulacan, subalit hini hintay pa rin daw niya ang opisyal na pahayag kung siya ang magiging standard bearer ng coalition party ng administrasyon.
Sa kabila naman ng pagiging sikreto ng katauhan ng magiging running mate ng dating gobernador may posibilidad na sina Rep. Lorna Silverio ng ikatlong distrito at Rep. Reylina Nicolas ng ikaapat na distrito ang magiging running mate niya.
Sina Silverio at Nicolas ay kapwa nasa ikalawang termino pa lamang at mga kaalyado rin ni Gob. Josie Dela Cruz, subalit kapwa hindi sumama nang bumaklas sa Lakas-CMD at lumipat sa Kampi si Dela Cruz kasama ang 21 alkalde sa Bulacan noong nakaraang buwan.
Pinabulaanan naman ng kampo ni Silverio ang haka-haka ng taumbayan na magiging running mate ni Pagdanganan. (Dino Balabo at Boy Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest