Ika-2 quadruplets isinilang sa Cagayan
March 2, 2007 | 12:00am
ILAGAN, Isabela  Apat na munting anghel na pinaniniwalaang ikalawang grupo ng quadruplets na nabubuhay sa buong bansa ang mapalad at matagumpay na isinilang noong Sabado (Feb. 24) sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay Bing Franco, malapit na aide ni Gov. Grace Padaca, dakong alas-11:50 ng hapon nang isilang ni Grace Lucas, 25, ng Naguilian Isabela, ang apat na sanggol sa pama magitan ng cesarian sa Saint Paul Hospital sa Tuguegarao City, Cagayan.
Nakatakda namang bigyan ng mga pangalan ang dalawang babae at dalawang lalaki na ngayon ay mahigpit na binabantayan ng mga doktor at ilan pang personnel ng nasabing hospital.
Ang dalawang sanggol na lalaki ay parehong may timbang na 1.3 kgs., samantalang ang dalawang babae naman ay mas mabigat sa timbang na 1.8 kgs. Unang naitala ang Cerezo sisters na sina Mary Grace, Mary Jane, Mary Anne at Mary Joy ng Bagabag Nueva Vizcaya. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest