Bangka tumaob: 2 todas
March 2, 2007 | 12:00am
BINANGONAN, Rizal – Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang nakaligtas naman ang anim pang pasahero makaraang tumaob ang bangkang sinasakyan ng mga biktima patungong Talim Island na sakop ng bayan ng Binangonan, Rizal kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawi na sina Robert Amabit at Antonia Mesa na kapwa naninirahan sa Barangay Bangad ng nasabing bayan.
Samantala nakaligtas naman sina Lorenzo Ojascastro, Aquilina Era, Nenita Anain, Leonisa Mesa at dalawa pang kababaihan na hindi na nakuha ang pangalan.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga nang makatanggap ng radio message ang Binangonan police na isang bangkang-de-motor na pag-aari ni Nicomedes Mesa na siya ring nagpapaandar nito ang tumaob may 2,000 metro ang layo sa pampang ng Talim Island sa Binangonan sakay ang walong pasahero mula sa Sta. Rosa City, Laguna.
Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad, subalit dahil sa lakas ng alon at sama ng panahon ay anim lang sa mga pasahero ang nailigtas. Kahapon ng umaga ay isa-isa ng lumutang ang bangkay ng mga biktima sa nasabing lawa.
Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa may-ari ng bangka. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest