February 26, 2007 | 12:00am
Mag-utol na senglot nagpatayan |
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  Pinaniniwalaang nagkapikunan sa matinding pagtatalo sa isyung pampulitika kaya nauwi sa duwelo ng patalim ang mag-utol na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa Barangay Marupit sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur kamakalawa. Napuruhan sa dibdib ng patalim ang biktimang si Nicanor Dacian, 47; samantalang sugatan naman si Rameses Dacian, 39. Ayon sa ulat, magkasamang nag-iinuman ng alak ang mag-utol sa bakuran ng kanilang bahay nang magkapikunan. Nagawang maunahang saksakin ni Nicanor ang kanyang nakatatandang kapatid kaya agad na namatay, subalit sugatan din ito matapos na masaksak ng una.
(Ed Casulla)
Driver na nakatulog patay sa sakuna |
CAMARINES NORTE  Halos malasog ang kalahating katawan ng isang 45-anyos na drayber na pinaniniwalaang nakatulog makaraang sumalpok ang trak ng biktima sa nakaparadang tanker ng gasolina sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Itomang, Talisay, Camarines Norte kama kalawa ng tanghali. Kinilala ang namatay na si Rex Rebundiao ng Brgy. Quitang, Pasacao, Camarines Sur. Sugatan naman ang dalawang kasama ni Rebundiao na sina Romeo Laurianaria, 55, ng Bgy. Cullat, Daraga, Albay; at Karen Pilonio, 21, ng Brgy. Duhat, Lagonoy, Camarines Sur. Napag-alamang sa ulat ni PO3 Luis Parale, nakaidlip sa pagmamaneho ng trak (AUG-768) si Rebundiao patungong Naga City mula sa Maynila kaya sumalpok sa nakaparadang tanker (TBM-782) na minamaneho naman ni Valentino Lastrilla na kaaalis lamang sa sasakyan upang kumain ng tanghalian.
(Francis Elevado)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  Umaabot sa P3 milyong ari-arian mula sa anim na klasrum ng Aroroy National High School na natupok ng apoy sa naganap na sunog kahapon ng madaling-araw sa Barangay Ambolong, Aroroy, Masbate. Ayon sa ulat, naitala ang insidente ganap na alas-3:45 ng madaling-araw matapos kumalat ang apoy mula sa basurahang nagliyab sa gilid ng nasabing eskuwelahan. Wala naman napaulat na nasawi o nasugatan matapos na maapula ang apoy. Inaalam ng pulisya kung sinadya na sunugin ang nasabing paaralan.
(Ed Casulla), Caloocan City sa Martes (Pebrero 27).