Ayon kay Bulacan Governor Josie dela Cruz, ang pagbubukas ng call center ng PLDT ay bilang paghahanda sa Mother’s Day.
Ang mga call center agents na matatanggap ay inaasahang susuweldo ng inisyal na P18,000 na mas mataas pa sa suweldo ng mga punong guro o kaya’y mga doktor na nasa residency training.
Ang pagsasanay ng mga call center agents ay pinaghandaan na ng PLDT dahil nilagdaan na ng mga opisyal ng panlalawigang pamahalaan ang kontrata na ang higanteng tepehone company ay magbibigay ng scholarship.
Ang mga nasabing iskolar ay magsasanay sa Bulacan Polytechnic College (BPC) na matatagpuan sa Barangay Bulihan, Malolos City at may satellite campus sa Barangay Salacot, San Miguel, Bulacan.
Bukod sa call center ng PLDT sa Marilao, may plano rin ang pamunuan ng St. Agatha Country Club sa Guiguinto na magtayo ng kanilang call center, ayon kay Mayor Ambrosio Cruz ng nasabing bayan.
Ang pagbubukas ng call center sa kanilang bayan ay isang pagkakataon sa mga Bulakenyo na magkatrabaho na hindi kailangan pang lumuwas s_a Maynila. (Dino Balabo at Boy Cruz)