Anak ni Rep. Asistio, target ng PDEA
February 15, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Matagal ng nasa watchlist ng PDEA si Luis "Piting" Asistio na sinasabing isang "drug trafficker" at anak ni Caloocan City Rep. Luis "Baby" Asistio na nadakip sa kasong kidnapping ng mga operatiba ng Angeles City Police kamakailan sa lalawigan ng Pampanga. Ito ang kinumpirma kahapon ng isang opisyal ng PDEA na tumangging magpabanggit ng pangalan kung saan sinabi nito na nasa Order of Battle ng ahensya ang anak ni Rep. Asistio.
Ayon sa PDEA source, ilang buwan na umanong isinasailalim sa surveillance operation si Asistio na umanao’y source ng talamak na distribusyon ng street level drug sa Caloocan City subalit tila may sa palos ito kung kaya’t palaging nakakatakas sa dragnet operation. Sinabi pa nito na malakas ang loob ni Piting na gumawa ng illegal na aktibidad dahilan sa maimpluwensiya ang kanyang ama.
Nabatid na ang modus-operandi ng batang Asistio ay ang makipag-transaksyon lamang ng ilegal na aktibidad sa mga kakilala nito dahilan upang hindi mahuli-huli sa akto ang mga anti-drug operatives para makunan ng ebidensiya at masampahan ng kasong kriminal.
Sinabi ng opisyal na dahilan sa pagkakahuli kay Asistio, pinaniniwalaang hihina na ang talamak na bentahan ng ilegal na droga sa nabanggit na siyudad at sa kabuuan ng CAMANAVA area. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest