^

Probinsiya

Kasong pagpatay sa ministro ng INC, pamilya lutas na

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Itinuturing na ng mga awtoridad na lutas na ang Ternate masaker sa Cavite makaraaang magsampa ng Criminal case laban sa itinuturong suspeck sa Ministro ng Iglesia ni Cristo (INC), asawa at anak nitong paslit noong Pebrero 8 sa Brgy. San Juan 2, nasabing bayan.

Sinampahan ng mga awtoridad ng kasong 3 counts of murder at unintentional abortion ang suspek na si Shervin Israel Api, 29, walang tabaho at nakatira sa Bobadilla compound, nasabing bayan.

Ang kaso ay bunga ng mga ebidensya na nagsasaad na positibo ang suspek sa gun powder nitrates at tatlong saksi na positibong nagtuturo na ang suspek ang una at huling namataan kasama ang mga napatay na biktimang sina Daruis Api y Olaes, asawa nitong 8-buwang buntis na si Antery at anak na si Kurt Russel, 6-anyos.

Ang mga biktima ay natagpuang tadtad ng tama ng bala sa ulo at katawan ng kalibre .45 baril.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa pagpatay sa pamilya Api bunga ng pagnanasang nakawin ang bagong baril ng naturang pastor ng INC.

Ang suspek ay isa sa tatlong katao na inimbitahan ng mga awtoridad bunga ng mga impormasyong nakalap ng mga awtoridad.

Agad na pinalaya ang dalawa na sina Jun Jun Mendoza at Rico Vernal dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Tatlong saksi ang lumutang at nagsabing nakita nila si Shervin na tumatakbo palabas sa tirahan ng mga biktima at tumalon sa bakod dala ang isang kalibre .45 pistol sanhi ng pagkakaaresto ng huli sa pinagtataguan nito sa Naic, Cavite. (Ed Amoroso)

vuukle comment

CAVITE

DARUIS API

ED AMOROSO

JUN JUN MENDOZA

KURT RUSSEL

RICO VERNAL

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with