Mag-utol nalason sa butete

CATBALOGAN CITY, Samar — Walang kinikilingang edad ang karit ni kamatayan dahil maging ang mag-utol na paslit ay hindi nakaligtas matapos na malason sa kinaing butete kamakalawa sa Barangay Old Mahayag, Catbalogan City, Samar. Magkasunod na namatay ang mag-utol na sina Honorata, 5; at Rhona Pensaber, 3, ng nasabing barangay matapos na kumain ng arothron hispidus (butete). Napag-alamang ganap na alas-2 ng hapon nang magkakasamang mananghalian ang pamilya Pensober at ilang oras pa ay magkasunod na nanakit ang tiyan, nagsuka at nahilo ang mag-utol hanggang sa mamatay. Sa inisyal na pagsusuri ng mga manggagamot, nakain ng magkapatid ang nakalalasong bahagi ng tiyan ng butete na pinaniniwalaang hindi masyadong nahugasan. (Maricel Castillo)

Show comments