^

Probinsiya

Mayor Esquivel tuluyang sinibak ng Ombudsman

-
Tuluyang sinibak ng Office of the Ombudsman si Jaen Nueva Ecija Mayor Antonio Esquivel makaraang bawiin na ng Court of Appeals (CA) Special 2nd Division ang ipinalabas nitong temporary restraining order (TRO).

Sa anim na pahinang resolution ng CA sa panulat ni Associate Justice Lucenito Tagle, binawi na nito ang TRO na unang ipinalabas nito.

Maging ang kahilingan ni Esquivel na mabigyan ng permanent injunction upang maharang ang kautusan ng Ombudsman ay ibinasura na din ng CA. Sinabi ng CA na walang legal right si Esquivel dahil itinuturing na immediately executory ang kautusan ng Ombudsman na siya ay masibak sa puwesto.

Pinagbatayan ng CA ang naging desisyon noon ng Korte Suprema sa halos kapareho ding kaso.

Una ng pinaburan ng CA noong Jan. 31 ang kahilingan ni Esquivel na maharang ang ipinalabas na kautusan ng Ombudsman na nagsisibak sa kanya sa puwesto bilang Mayor ng Jaen Nueva Ecija. (Grace dela Cruz)

ASSOCIATE JUSTICE LUCENITO TAGLE

COURT OF APPEALS

CRUZ

ESQUIVEL

JAEN NUEVA ECIJA

JAEN NUEVA ECIJA MAYOR ANTONIO ESQUIVEL

JAN

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PINAGBATAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with