8 tinedyer tugis sa kasong murder
February 4, 2007 | 12:00am
SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija Walong estudyante ng Central Luzon State University (CLSU) na pawang miyembro ng Tau Gamma Fraternijty ang tinutugis ng pulisya sa kasong murder matapos na mapatay sa hazing ang kanilang kaklase sa Barangay Catalanacan, Science City of Muñoz sa Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa mga suspek na kinasuhan sa prosecutors office ay nakilalang sina John dela Cruz y Manetrick ng Bgy. Concepcion, Guimba; Denton Tabaniag y Ortega ng Bgy. Pamaldan, Cabanatuan City; Ramon Nicolas y Saralde ng Bgy. Bacal 111, Talavera, Nueva Ecija; Ronel Tuscandy y Cruz ng Damian Street, Science City of Muñoz; Pastor Allem ng Pangasinan; Allem Harold, isang alyas Alden at alyas Julius.
Ang biktimang nasawi na nagtamo ng maraming pasa sa katawan dahil sa hazing at hindi nakayanan ang pahirap ay nakilalang si Mark Rodriguez, 17, 1st year college sa CLSU at residente ng Barangay Buhagin, Baler, Aurora.
Malubha naman ang kaklase nitong si Bryan Peralta na ginagamot sa infirmary ng nasabing unibersidad.
Ang mga suspek ay nakilala ni Peralta at sa pakikipagtulungan ng mga testigo at ng Student Affairs ng unibersidad, ayon sa ulat ni P/Supt. Fernando Galang, police chief ng nasabing lungsod.
Base sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng hazing ang nasabing fraternity kabilang na ang dalawang biktima kung saan nawalan ng malay kaya inihatid ng mga suspek sa boarding house sa Barangay Bagong Sicat hanggang sa mamatay ang biktima. (Christian Ryan Sta Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest