Drug den ni-raid: 10 tulak arestado
February 1, 2007 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Sampu-katao na pinaniniwalaang notoryus na tulak ng droga ang nasakote ng mga alagad ng batas sa isinagawang pagsalakay sa itinuturing na drug den sa Barangay Camantiles, Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa ng hapon.
Sa bisa ng anim na search warrant na ipinalabas ng korte, sinalakay ng pinagsanib na mga elemento ng Regional Office 2, Special Operations Group ng PNP-Urdaneta City, 107th Provincial Mobile Group, PNP-Mangaldan sa pamumuno ni P/Senior Supt. Jun Valerio, hepe ng Regional Anti- Illegal Drugs-Special Operations Task Force (RAID-SOTF) ang nasabing drug den.
Ayon kay P/Chief Supt. Leopoldo Bataoil, director ang Police Regional Office1, kabilang sa mga nasakoteng suspek ay tinukoy sa mga alyas na Engineer de Leon Banisel, Kalifa Banisel, Muhammad Ali, Nora Sultan, Arimao Badron, Omar Baguan, Manan Sultan, Jun, Rukma at isa pang di natukoy ang pangalan.
Nasamsam sa mga suspek ang mga plastic sachets na naglalaman ng shabu, paraphernalia, 34-piraso ng cal. 45 pistol, mga bala ng cal. 22 at P9, 600 na pinaniniwalaang kinita sa shabu. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest