Mag-utol na paslit naabo
January 31, 2007 | 12:00am
CABANATUAN CITY Nagmistulang abo ang katawan ng mag-utol na paslit makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay Barangay Aduas sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi.
Halos hindi na makilala ang magkapatid na sina John Miguel Enriquez, 2 at kapatid nitong si John Luis, 25-araw na kapwa mga anak nina Rodelio Enriquez at Maricel Calara.
Ayon sa hepe ng provincial fire station na si Chief Inspector Artemio M. Llena, apat na kabahayan na pag-aari nina Leopoldo, Edilberto, Carlito at Rhoderick Sariente ay nadamay sa naganap na sunog na umabot sa P3-milyong ari-arian ang naabo.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-8:30 ng gabi ng nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ni Leopoldo Sariente, kung saan ang mag-utol ay natutulog.
May posibilidad na nagsimula ang sunog sa gaserang bumagsak mula sa kisame ng nasabing bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy sa kahoy na sahig.
Naapula naman ang sunog makaraang rumesponde ang mga tauhan ng pamatay-sunog mula sa mga bayan ng Talavera, Sta. Rosa at Muñoz City. Christian Ryan Sta. Ana

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
22 hours ago
Recommended