Katiwala ng alkalde dinedo sa simbahan
January 26, 2007 | 12:00am
LEGAZPI CITY Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tumatayong katiwala na executive assistance ng alkalde ng mga hindi kilalang kalalakihan sa Sitio Tugnao, Barangay Taysan, Legazpi City kahapon ng umaga. Ang biktimang naging barangay chairman at kasalukuyang coordinator ng kooperatiba ay nakilalang si Alfredo Barrameda ng Barangay San Francisco, Legazpi City. Base sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Adel Castillo, police chief ng Legazpi City, ganap na alas-11:30 ng umaga nang pababain ng mga armadong kalalakihan ang biktimang sakay ng pampasaherong dyipni. Mismong nasaksihan ng ilang pasahero kung papaano pagbabarilin ang biktima sa harapan ng Albay Catholic Church kung saan palakad na lumayo sa crime scene ang mga killer patungo sa direksyon ng Barangay Estanza na animoy walang anumang naganap na krimen. May teorya ang pulisya na paghihiganti ng mga rebeldeng New Peoples Army ang naganap na insidente dahil sa ginawang plano ng biktima na nagtayo ng military detactment sa kanilang barangay noong ito ay opisyal pa ng barangay. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest