Gobernador, muntik mag-almusal ng pampasabog sa restaurant
January 16, 2007 | 12:00am
CATBALOGAN, Samar May posibilidad na kalaban sa politika ang nagtanim ng pampasabog na nadiskubre sa restaurant na paboritong kainan ng gobernador at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Taft sa Eastern Samar kahapon.
Ayon kay P/Senior Supt. Ibdalin Adja Abah, Samar provincial police director, ilang minuto bago dumating si Samar Gov. Ben Evardone sa Boston Food Stop Restaurant nang madiskubre ang granada na inilagay sa lata ng softdrink na may gasoline.
Posibleng planado na pasabugin ng mga hindi kilalang grupo ang nasabing lugar dahil darating si Gov. Evardone para mag-almusal.
Napag-alamang nagsimba lamang si Gov. Evardone at patungo na sana sa nabanggit ng restaurant para mag-almusal nang mamataan nito na may kaguluhan sa nasabing lugar.
Matapos na mag-usisa ng nabanggit na opisyal ay nadiskubre na may itinanim na pampasabog sa nasabing restaurant na pinaniniwalaang pag-aari ni Rep. Nonoy Libanan.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (Maricel Castillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest