Kinilala ng Palawan PNP, ang pilotong Pinoy na si Captain Butch Soriano, samantalang tumanggi namang magbigay ng pangalan ang tatlong dayuhang Hapones sa hindi nabatid na dahilan.
Ayon kay Rolando Bonoan, Public Information Officer ng Palawan, bandang alauna ng hapon nang lumipad ang Eurocopter mula sa Manila patungong El Nido ng bumagsak ito sa layong 47-nautical miles sa pantalan ng El Nido na sakop ng Barangay Buena Suerte.
Ayon kay Bonoan, kumukuha ng mga larawan ang grupo ng Hapones na pawang mga professional photographers nang hampasin sila ng malakas na hangin bunga ng masamang panahon.
Wala namang grabeng nasugatan sa mga sakay ng naturang chopper at pinalabas din kaagad mula sa ospital matapos sumailalim sa medical check-up.
Nailigtas ang mga biktima matapos tumulong ang Task Force Malampaya na binubuo ng mga sundalo ng AFP na pawang nagbabantay sa pasilidad ng Malampaya Natural Gas Extraction site. (Arnell Ozaeta at Joy Cantos)