Barangay chair inambus, patay!
January 15, 2007 | 12:00am
SAN JUAN, Batangas Namatay agad mula sa isang tama ng bala sa dibdib ang 33-anyos na barangay chairman matapos umanong tambangan at pagbabarilin ng mag-ama na matagal na nitong kaaway sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Batangas Police Director Senior Supt. Edmund Zaide ang biktimang si Edgardo Reuta, 33, residente at chairman ng Brgy. Ticalan sa naturang bayan.
Ayon sa report, bandang alas-10 ng gabi, naglalakad papauwi ang biktma galing sa isang inuman nang harangin ng mag-amang sina Jesus Sora Sr. at ang anak nitong si Jesus, Jr., pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa kalibre 9-mm ang biktima na naging sanhi ng kanyang agad na kamatayan.
Ayon kay Chief Insp. Jonathan Tangonan, San Juan Police chief, naaresto nila agad si Jesus Sora Jr., habang nakatakas at pinaghahanap pa ng kanyang mga tauhan ang ama nitong si Jesus Sr.
Matagal na umanong may alitan sa pagitan ng batang Sora at biktima na nagbunsod sa mga suspek na pagplanuhang patayin ang biktima, ayon sa pulisya. (Arnell Ozaeta At Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended