Cycling champ dedo sa road mishap
January 12, 2007 | 12:00am
Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang cycling champ makaraang mahagip ng van habang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Sual, Pangasinan kamakalawa. Base sa ulat, kinilala ang biktimang si Romeo Bonzo, unang rookie winner sa 1976 Marlboro Tour of Luzon. Ayon sa nakatatandang kapatid na si Modesto, si Romeo ay nahagip ng Mitsubishi Delica van habang sakay ng kanyang motorsiklo matapos na dumalo sa pulong ng Philippine National Cycling Association sa Quezon City na ipinatawag ni dating Tour champion Paquito Rivas. Ang driver ng van na hindi pa nakikilala ay sumuko sa pulisya matapos na ihatid sa ospital ang biktima.Naiwan niya ang kanyang asawang si Clarita Sison Bonzo at limang anak na kinabibilangan ni junior rider Mark Julius. Si Bonzo na isang enlisted ng Philippine Army at naging miyembro ng National team ay ikatlong siklistang namatay sa vehicular accident. (Dina Marie Villena)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest