Salpukan ng 2 trak: 4 patay
January 5, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Apat-katao ang iniulat na namatay matapos magsalpukan ang dalawang higanteng trak sa kahabaan ng Quirino Highway na sakop ng Tagkawayan, Quezon kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga namatay na biktima ay nakilalang sina Sammy Carabot, 37, driver at ang utol nitong si Benjie Carabot, 36, kapwa naninirahan sa Greenmeadows Subd., Lucena City; mga pahinanteng sina Kemuel Bongaling, 15, ng Barangay Masin, Candelaria, Quezon; at Richard Bengahan ng Barangay Site, Lucena City.
Ayon kay P/Chief Inspector Romeo Carranza, Tagkawayan police chief, ang mga namatay na pawang lulan ng 10-wheeler cargo truck (PDE-462) ay papunta sanang Maynila mula sa Bicol nang biglang salpukin ng isang 18-wheeler tanker (UHM-719) na minamaneho naman ni Delmar Quingco sa kahabaan ng nasabing highway sa Barangay Sta. Cecilia bandang alas-8 ng umaga.
Sa panayam ng PSN kay Carranza, papasulong na sana sa matarik na kalsada ang 18-wheeler tanker truck na kargado ng liquified carbon dioxide nang mawalan ito ng preno at nagtuluy-tuloy na bumangga sa kasalubong na trak.
Dead-on-the spot ang tatlong sakay ng cargo truck, samantalang namatay naman habang ginagamot sa Tagkawayan District Hospital si Richard Bengahan sanhi ng matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan.
Agad namang sumuko sa pulisya ang drayber ng 18-wheeler na si Quingco at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide. Pinag-aaralan din ng pulisya kung may pananagutan ang may ari ng truck. (Arnell Ozaeta at Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest