^

Probinsiya

P44.7-M marijuana sinunog

-
LA TRINIDAD, Benguet — Tinatayang aabot sa P44.7 milyong marijuana ang sinunog matapos na salakayin ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency-Cordillera, Benguet policemen at grupo ng Police Regional Mobile Group ang siyam na sitio sa mga bayan ng Bakun at Kibungan, Benguet kamakalawa.

May 221,500 fully grown marijuana plants; 11,500 marijuana seedlings at 500 gramo ng mga buto ng marijuana na may kabuuang P44,777,500 base sa assessment ng Dangerous Drug Board (DDB) ang nasamsam, ayon kay PDEA-Cordillera chief Supt. Oliver Enmodias.

Ayon kay Enmodias, limang araw na operasyon ang isinagawa ng mga awtoridad simula pa noong Disyembre 14, sa mabundok ng Sitio Guasadan, Kimmayad, Mangaan, Nap-nap, Ligab, Bas-angan na sakop ng Barangay Kayapa, Bakun at sa mga Sitio Sayangan, Lanipaw, Tanap, na pawang sakop ng Barangay Takadang, Kibungan.

Napag-alamang bago salakayin ang mga nabanggit na lugar ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa plantasyon ng marijuana sa dalawang bayan at nakatakdang anihin para ibiyahe sa iba’t ibang bayan hanggang sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.(Artemio Dumlao)

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

BAKUN

BARANGAY KAYAPA

BARANGAY TAKADANG

BENGUET

DRUG BOARD

DRUG ENFORCEMENT AGENCY-CORDILLERA

KIBUNGAN

METRO MANILA

OLIVER ENMODIAS

POLICE REGIONAL MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with