5 Araw Na Palutang-Lutang.... 3 mangingisda nailigtas
December 20, 2006 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Himalang nakaligtas sa lumubog na bangka ang tatlong mangingisdang nagpalutang-lutang sa gitna ng karagatan sa loob ng limang araw makaraang masagip ng barkong pandigma ng Amerika sa karagatang sakop ng Pangasinan noong Lunes (Disyembre 18).
Kabilang sa mga biktimang nasagip ng US Navy na lulan ng USNS Rappanhanock ay nakilalang sina Johnny Galvez, 23; Renato Ignacio, 31 at Leopoldo Molino, 23, kapwa naninirahan sa Barangay Cato, Infanta, Pangasinan.
Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority Administrator/CEO Armand C. Arreza, ilang minuto bago maghatinggabi noong nakalipas na Lunes ay naispatan ng search and rescue squad ng US Naval sealift command ship USNS Rappanhanock ang tatlo na nakakapit sa tumaob na fishing boat at palutang-lutang sa gitna ng karagatan.
Base sa pahayag ni US Navy Rescue officer E5 Jeremy Guida, palabas na ang kanilang pandigmang barko sa karagatan ng Pilipinas patungo sa South China sea para sa isang ship call sa Port of Singapore nang matanaw nila ang paghingi ng saklolo ng mga mangingisdang gumamit ng flashlight.
Kaagad namang dinispatsa ni Ship Chiefmate Bill Riley ang grupo kaya naisampa sa kanilang barko ang mga mangingisda kung saan nilapatan ng unang lunas ng US medical personnel.
Base sa rekord, pumalaot ang tatlo noong Huwebes ng hapon para mangisda kung saan nasira ang makina ng kanilang bangka at tuluyang mapadpad hanggang pataubin ng malaking alon.
Pinarangalan naman ng pamunuan ng SBMA ang mga opisyal at crew ng USNS Rappanhanock sa ginawang kabutihan sa mga mangingisda. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 12 hours ago
By Victor Martin | 12 hours ago
By Omar Padilla | 12 hours ago
Recommended