Deputy mayor ng Muslim affairs tinodas

CAMP CRAME — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang deputy mayor ng Muslim Affairs  habang ang biktima ay nasa harapan ng gymnasium sa Monkayo, Compostella Valley kamakalawa. Naisugod pa sa Montevista District Hospital, subalit patay na ang biktimang si Asis Sultan matapos na tamaan ng bala sa mukha na tumagos sa ibabang bahagi ng tenga.

Ayon sa ulat ng police regional office (PRO-11), kasalukuyang nagsusuperbisa sa basketball tournament sa Monkayo gymnasium nang lapitan ng mga armadong kalalakihan ang biktima bago isinagawa ang brutal na krimen. Sumasailalim na sa masusing imbestigasyon ang krimen. (Joy Cantos)

Show comments