2 tulak arestado
December 15, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Dalawang estudyanteng hayskul ang inaresto ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng 20 maliliit na pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Barangay Agol, Pio Duran, Albay kamakalawa. Pormal na kinasuhan habang nakapiit ang mga suspek na sina Joseph Ope, 23; at Philip Del Mundo, 23, kapwa estudyante sa Pio Duran High School. Ayon sa ulat, ang dalawa ay sakay ng motorsiklo (EQ-4976) nang parahin sa checkpoint ng mga kawal ng 65th Infantry Battalion ng Phil. Army. Nang rekisahin ang mga dalang gamit ng mga suspek ay nadiskubre ang 20 maliliit na pekete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana. Agad naman dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon. (Ed Casulla)
Aabot sa P2.5 milyong halaga ng alahas ang nalimas ng tatlong armadong kalalakihan makaraang holdapin ang isang negosyanteng babae sa Barangay Agora, Cagayan de Oro kahapon ng madaling-araw. Base sa ulat ng pulisya, sakay ng multicab ang biktimang si Josephine Tigley, kasama ang kanyang tiyahing si Delia Tigley nang harangin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Julio Pacana-Gaabucayan Road sa nabanggit na barangay. Ayon sa biktima, inagaw ng mga armadong kalalakihan ang kanyang bag na naglalaman ng mamahaling alahas at ilang diyamanteng singsing na nagkakahalaga ng P2.5 milyon. Hindi naman nakapalag pa ang biktima dahil sa takot na mabaril.
OLONGAPO CITY Aabot sa animnapung sibilyan ang nagtapos sa inilunsad na ika-2 Olongapo Call Center ExcellenceTraining sa isa sa programa ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Olongapo City sa pamumuno ni Mayor James "Bong" Gordon Jr. "Ito ay bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan ng Olongapo City na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na naghahanap ng trabaho na magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa trabahong kanilang papasukan," pahayag ni Mayor Gordon. Kaugnay nito. Sinabi pa ni Gordon na patuloy pa rin silang magsasagawa ng ibat ibang pagsasanay kabilang na ang welding at housekeeping upang hasain ang kaalaman ng mga job applicants."Gamitin ninyo ang natutuhan para sa inyong sarili at sa inyong pamilya. Samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon na dumarating at ipakita ninyo na ang kabataan ng Olongapo ay angat sa iba," dagdag pa ni Gordon sa mga nagtapos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest