Napuruhan ng bala ng baril sa dibdib ang biktimang si Artemio Ordas y Punzalan, habang tugis naman ng pulisya ang nakapatay na suspek na si Jose Miner y Olivete, 61, may-asawa, ng Barangay North ng bayang nabanggit
Sa imbestigasyon, magkasamang nag-iinuman ng alak ang dalawa nang ialok ng suspek ang kanyang baril na maisangla, subalit tumanggi ang biktima. Dito nagalit ang suspek at binaril ang biktima habang nakamasid ang kanyang misis. (Christian Ryan Sta. Ana)