Kabesa nilikida

MALOLOS CITY, Bulacan — Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang barangay chairman matapos na barilin sa ulo ng nag-iisang mamamatay-tao sa harapan mismo ng military detachment sa Barangay Atlag, Malolos City kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Barangay Chairman Reynaldo Estrella ng Barangay Atlag. Agad naman tumakas ng killer na naka-sombrero sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng MacAthur Highway. Ayon sa pulisya, napag-alamang aktibo si Estrella sa itatayong Integrated Territorial Defense System laban sa mga rebelde kaya posibleng pinatahimik ang biktima upang walang sagabal sa operasyon ng makakaliwang kilusan. (Dino Balabo at Boy Cruz)

Show comments