Relief goods inagaw ng NPA rebs
December 12, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Inagaw ng mga rebeldeng New Peoples Army ang relief goods na ipamamahagi sana sa limang bayan ng Catanduanes na sinalanta ng bagyong "Reming". Ayon kay Col. Roberto Morales, hinarang ng mga rebeldeng miyembro ng Teresa San Juan Command ang truck na may dalang mga gamot at pagkaing delata patungo sana sa limang bayang sakop ng Catanduanes. Nabatid na kalahati ng relief goods ay ipinamahagi ng mga rebelde sa kanilang kaalyadong residente sa mga barangay at ang kalahati naman ay dinala sa kanilang kampo. Kabilang sa mga bayang mabibiyayaan sana ng relief goods mula sa bansang Malaysia at Indonesia ay ang San Miguel, Bato, Baras, Gigmoto at Caramoran sa lalawigan ng Catanduanes. (Ed Casulla)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Hinaras ng mga rebeldeng New Peoples Army ang pinagsanib na puwersa ng 2nd Infantry Battalion ng Phil. Army at 508th Provincial Police Mobile Group habang namimigay ng relief goods sa mga residente ng Barangay Purong, Bulusan, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Ayon kay Col. Roberto Morales ng Task Force Alpha, ang panghaharas ng mga rebelde ay naganap dakong alas-6:45 ng gabi kung saan nakalinya ang mga residente sa truck para kumuha ng relief goods. Nagpaputok ng baril ang mga rebelde para takutin ang mga residente kaya nagpulasan at nagsikubli ang ilang militar at pulisya na nagmamantina ng seguridad. Aabot sa 20 minuto ang panghaharas ng mga rebelde bago nagsitakas matapos na gumanti ng putok ang mga awtoridad." (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest