^

Probinsiya

Mag-asawa kinatay ng 2 ‘hired killers’

-
CAINTA, Rizal – Kapwa nag-aagaw-buhay sa pagamutan ang isang mag-asawa matapos na pagsasaksakin ng dalawang umano’y "hired killers" nang pasukin ang mga ito sa kanilang tahanan kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Andres ng bayang ito.

Patuloy na ginagamot sa hindi binanggit na pagamutan ang mga biktimang sina Cezar Torre, 55 at misis na si Ma. Theresa matapos na magtamo ng maraming saksak sa katawan.

Agad namang nadakip ng mga security guards ang mga suspek na sina Alejandro Sanchez, 30 at Jason Quinto, 27, kapwa residente ng Valenzuela City.

Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng mga biktima sa Lot 4 Block 28, Coburg St., Mercedes Executive Village ng nasabing barangay. Nagising ang ginang nang maramdamang may ibang tao sa loob ng kanilang kuwarto at nang makita ang mga suspek ay agad itong nagsisigaw na ikinagising ng kanyang mister. Lumaban ang lalaking biktima subalit dahil sa dalawa ang suspek ay napagtulungan ng mga ito na saksakin ito at isinunod ang kanyang misis. Matapos ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek subalit nasukol ng mga alertong sekyu ng subdibisyon.

Sa interogasyon, inamin ng mga suspek na sila umano ay inupahan ng magkamag-anak na sina Esperanza Manlapaz at Evelyn Manlapaz, pawang sa Cabral compound, Mulawin St., Brgy. Lawang Bato, Valenzuela City upang patayin ang mga biktima. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALEJANDRO SANCHEZ

BRGY

CEZAR TORRE

COBURG ST.

EDWIN BALASA

ESPERANZA MANLAPAZ

EVELYN MANLAPAZ

JASON QUINTO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with