Kinilala ni Senior Superintendent Edmund Zaide, Batangas police director, ang napatay na sundalo na si Airman First Class (A1C) Ricardo Muñoz, 24, tubong Zamboanga City.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek na si 2nd Lt. Jeffrey Martinez, 23, ng San Fernando Airbase sa Lipa City.
Si Lt. Martinez at A1C Muñoz ay kapwa sundalo ng 744th Combat Squadron ng Philippine Air Force sa Barangay San Isidro Detachment, Rosario, Batangas. Napag-alamang ipapatong sana sa lamesa ni Lt. Martinez ang kanyang M-16 Armalite rifle nang aksidente makalabit nito ang gatilyo kaya tinamaan ng bala sa dibdib si A1C Muñoz na nakaupo sa dulo ng lamesa.
Subalit ayon sa pulisya, ginulpi ng mga classmate ni Munoz ang opisyal nilang si Lt.Martinez matapos maganap ang aksidente.
Nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Philippine Air Force sa kaso para madetermina kung aksidente ba o sinadya ang naganap na insidente. (Arnell Ozaeta)