Chemical spill: 60-katao naospital
November 29, 2006 | 12:00am
MARILAO, Bulacan Naulit na naman ang naganap na chemical spill sa Makati City nitong linggo ng hapon makaraang maospital ang aabot sa 60-katao na karamihan ay bata, samantalang aabot naman sa 3,000 residente mula sa tatlong bayan ang inilikas dahil sa umalingasaw na nakalalasong kemikal sa Barangay Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ni Arnold Vytingco, hepe ng municipal disaster coordinating office, ganap na alas-2 ng madaling-araw kahapon nang makalanghap ng masangsang na amoy ang mga residente ng Barangay. Sta Rosa I at ilang kanugnog na Barangay Prenza II, Patubig, Barangay Lambakin, Barangay Tabing-Ilog, Nagbalon at Poblacion 2 sa mga bayan ng Obando at Meycauayan.
Ayon kina Vytingco at Dr. Joy Gomez ng provincial health office, ang mga biktima ay nakaranas ng pagkahilo at pagsusuka na ngayon ay nasa Rogaciano Mercado Medical Center sa bayan ng Sta. Maria, samantalang ang iba naman ay dinala sa St. Michael Hospital at sa Nazarenus Hospital.
Kabilang sa mga biktimang isinugod sa pagamutan ay sina Gerald Javier, Jenny Rose Javier, Ricky Javier, Jun Valdez Javier, Margarita Javier, Jennilyn Javier, Jemarie Javier, Joseph Duazon, John Duazon, Fraline Leonodo, Maritess Javier, Sol Israel, Edwin Remodo at Marlene Aguilar.
Base sa impormasyong nakalap kay Rodolfo Santos, hepe ng Provincial Disaster Coordinating Office, ang nakakalasong kemikal ay ibinuhos ng isang tanker truck sa kanal ng patubig sa tabi ng lupang sinasaka ni Carlos Clemente at ito ay dumaloy sa Ilog ng Marilao.
Hindi pa matukoy ng mga opisyal kung anong klase ng kemikal ang ibinuhos sa kanal, subalit ilan ang nagsabi na amoy kontaminadong krudo na may halong solvent kaya masakit sa ilong at dibdib kapag nalanghap.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Mayor Efipanio Guillermo na paiimbestigahan niya kung sino ang mga taong nasa likod ng pagtatapon ng hazardous substance sa kanyang bayan dahil sa rin sa mga balitang kumalat na isang mataas na opisyal ng lokal na pamahalaang bayan ang sangkot.
Kasunod nito, nasakote naman ng mga tauhan ni Police Supt. Edwin Quilates ang mga responsableng suspek na sina Lope Reyes y Dohinog, driver at residente ng Camarin, Caloocan City at dalawang pahinate na sina Alvin Torres at Jose Arnaldo ng San Vicente Sta. Maria, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang trak na may plakang XEE-923 na minamaneho ni Reyes ay naispatang nakaparada sa bahagi ng Barangay San Vicente, Sta. Maria, Bulacan.
Ang nasabing truck na ginamit ay pag-aari ng isang Evelyn Sto. Tomas ng Pleasant Hill Subdivision sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon sa mga suspek, inarkila lamang ang kanilang truck upang i-biyahe ang hazardous substance mula sa isang plastic company sa Canumay, Valenzuela City.
Nagsasagawa na rin ng pakikipagkoordinasyon ang nasabing departamento sa Bureau of Fire Protection at sa University of the Philippines Poison Center para alamin kung anong klase ng nakalalasong kemikal ang itinapon. (Dino Balabo At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am