NBI civilian asset tinumba

BUTUAN CITY – Sinaksak at napatay ang isang 27-anyos na civilian asset ng National Bureau of Investigation (NBI) habang ang biktima ay kumakain sa restoran sa kahabaan ng Montilla Boulevard sa Butuan City noong Huwebes ng gabi.

Napuruhan ng ice pick sa dibdib na tumagos sa puso ng biktimang si Rolando "Rolly" Chavez, binata, tubong Cebu City at pansamantalang naninirahan sa NBI regional office sa kahabaan ng J. Rosales Avenue ng nabanggit na lungsod.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Momoy Llorado na sumaksak sa biktima habang kumakain sa loob ng D’Arthurs Restaurant na kasama ang ilang kaibigan.

Walang malinaw na motibo ang nasisilip ng pulisya na posibleng may kaugnayan sa pagiging NBI civilian asset ng biktima. (Ben Serrano)

Show comments