Preso nag-amok tinodas, 4 sugatan

Napatay ng mga awtoridad ang isang preso matapos itong mag-amok ng manaksak ng apat na kasamahang bilanggo sa Alcala, Municipal Jail sa lalawigan ng Cagayan, kamakalawa.

Kinilala ang napatay na preso na si Marlon Ramos, nahaharap sa kasong murder sa pamamaslang sa 2 katao noong nakalipas na taon.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang apat na nasugatang preso.

Batay sa report, kasalukuyang abala sa paggawa ng parol ang mga preso nang biglang mag-amok si Ramos.

Armado ng patalim ay pinagsasaksak nito ang apat niyang kasamahang inmate kaya napilitan ang mga jailguard na barilin ito na siya niyang ikinasawi. (Joy Cantos)

Show comments