P.5M nalimas sa warehouse ng SMB
November 21, 2006 | 12:00am
CAVITE Umaabot sa P.5 milyon ang natangay ng mga armadong kalalakihan matapos na pasukin ang bodega ng San Miguel Corporation sa Barangay Langkaang 2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon.
Ayon kay P/Superintendent Mario Reyes, hepe ng Dasmariñas PNP, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang opisina ng ADB Services, isang sub-contractor ng San Miguel Corporation sa Barangay Langkaan 2 ganap na ika-1:35 ng hapon.
Pawang nakasuot ng kulay itim na police uniform at vest nang pumasok sa warehouse sakay ng kulay itim na sports utility vehicle na may plakang RCC 866, ayon pa kay Reyes.
Sa isinagawang pagsisiyasat, nabigla ang nag-iisang security guard na si Christian Perez nang tutukan ng mga suspek na nagpakilalang mga pulis bago siya disarmahan at igapos.
Napag-alamang tinungo ng mga armadong lalaki ang itaas na bahagi ng warehouse at doon inabutan ang clerk na nakilalang si Danica Asis.
Ilang suspek ang naghahalughog sa naturang opisina at ang iba naman at tumayong lookout sa ibaba hanggang sa natagpuan ang vault kung saan nakuha ang P.5-milyon cash, ayon pa sa ulat.
Mabilis na nakatakas ang mga suspek patungo at kasalukuyang target ng buong puwersa ng Calabarzon PNP.
Sinisilip din ng mga awtoridad kung ang pumasok sa nabanggit na warehouse ay siya ring grupo na pumasok sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Batangas City noong nakalipas na linggo. (Cristina Timbang at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest