Trader, 2 pa patay sa holdap
November 21, 2006 | 12:00am
MEYCAUAYAN, Bulacan Niratrat hanggang mapatay ang isang trader kasama ang kanyang police escort at driver ng mga armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo habang bumibiyahe ang mga biktima patungo sa bangko upang magdeposito ng pera sa isa na namang karahasan sa Meycauayan, Bulacan kahapon ng umaga.
Kabilang sa mga napaslang ay sina Franklin Mofar, 47, negosyante at nakatira sa Citation Homes sa Barangay Bahay Pari; PO2 Mauro Buri at drayber na si Rolando Navarro.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa kahabaan ng El Camino Road sa Barangay Sto. Niño bandang alas-10:15 ng umaga kahapon.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa bangko ang mga biktima upang magdeposito ng malaking halaga sakay ng itim na Nissan Patrol na may plakang WJX 321 ni Mofar nang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan na nakasakay sa mga motorsiklo.
Base sa tagapagsiyasat ng pulis-Meycauayan na si SPO3 Segundino, matapos pagbabarilin ang mga biktimang nakaupo pa sa loob ng sasakyan, ay mabilis na tumakas ang mga ito dala ang hindi pa mabatid na halaga.
Habang sinusulat ang balitang ito ay agad na bumuo ng pangkat ang pulisya para tugisin ang mga holdaper. (Dino Balabo At Boy Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 7 hours ago
By Victor Martin | 7 hours ago
By Omar Padilla | 7 hours ago
Recommended