^

Probinsiya

Coordinator ng Bayan Muna dinedo sa kampo

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 40-anyos na coordinator ng grupong Bayan Muna na pinaniniwalaang tiktik ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang ratratin ng mga sundalo sa loob ng Army detachment sa Barangay Laboy sa bayan ng Matnog, Sorsogon, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na isinumite ng pulisya kay P/Senior Supt. Joel Regondola, provincial director, inimbitahan ng mga sundalo ang biktimang si Toribio A. Mesa upang sumailalim sa interogasyon sa kampo ng 2nd Infantry Battalion ng Phil. Army.

Napag-alaman kay Regondola, ang biktima na residente ng Barangay Jamorawon sa bayan ng Bulan, Sorsogon ay tumatayong tiktik ng mga rebelde kaya pinatawag sa nasabing kampo.

Lumitaw sa imbestigasyon, na habang sumasailalim sa interogasyon ang biktima ay biglang inagaw nito ang baril ng sundalong nagbabantay at mabilis na tumakas.

Nagpaputok sa ere ang mga sundalong nabigla para tumigil sa pagtakbo, subalit nagpatuloy sa pagtakas kaya napilitang pagbabarilin ang biktima hanggang sa duguang bumulagta. (Ed Casulla)

BARANGAY JAMORAWON

BARANGAY LABOY

BAYAN MUNA

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION

JOEL REGONDOLA

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

SENIOR SUPT

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with