^

Probinsiya

Koreano dinukot, dinedo sa Subic Bay

-
SUBIC BAY FREEPORT — Pinaniniwalaang pinahirapan muna bago brutal na pinaslang ang isang Koreanong opisyal ng malaking kompanya matapos na matagpuan ang bangkay nito na nakasako sa liblib na bahagi ng Naval Magazine sa Subic Bay Freeport Zone kamakalawa ng hapon.

Sinasabing ang biktima na may dalang USD10,000 bago mawala ay opisyal ng Hanjin Heavy Equipment and Industries (HHEI) na Korean shipping company sa loob ng Freeport Zone.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng Law Enforcement Department (LED) at Intelligence and Investigation Office (IIO) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kaugnay sa pagkakakilanlan ng Koreano na nasa edad 35 hanggang 40-anyos

Sa nakalap na impormasyon ng PSN, bandang alas-3:15 ng hapon kamakalawa nang matagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima sa mataas at matalahib na lugar ng Hill 394, Naval Magazine ng nabanggit na lugar.

Kasalukuyang inaalam ng mga mamamahayag kung may katotohanan na dalawang Koreano ang natagpuang patay na magkayakap sa loob ng sako sa nabanggit na lugar.

Napag-alamang bago madiskubre ang bangkay ng biktima ay unang napaulat na nawawala ang biktima may tatlong linggo na ang nakalipas at hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling blangko pa rin ang pamunuan ng LED at IIO kaugnay sa nangyaring karahasang naganap sa loob ng Subic Freeport. (Jeff Tombado)

FREEPORT ZONE

HANJIN HEAVY EQUIPMENT AND INDUSTRIES

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION OFFICE

JEFF TOMBADO

KOREANO

LAW ENFORCEMENT DEPARTMENT

NAVAL MAGAZINE

SUBIC BAY FREEPORT ZONE

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

SUBIC FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with