Empleyada ng EPZA dedo sa adik
November 17, 2006 | 12:00am
CAVITE Isang 25-anyos na empleyada sa Economic Processing Zone Authority( EPZA) sa bayan ng Rosario ang natagpuang patay sa loob ng banyo ng bahay nito matapos mapagtripan ng adik na trabahador kamakalawa ng gabi.
Bandang alas-7 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Rea Cardenas, tubong Pangasinan, line lider ng P.I. MES at residente ng Block 45 Lot 11 Linette Homes sa Barangay Biga.
Nakorner naman ng pulisya ang suspek na si Ernesto Costales, 32, naninirahan sa Barangay Llana, Trece Martires City at gumagawa ng grills ng bintana ng biktima.
Sa inisyal na ulat ng tagapagsiyasat na si PO2 Neil Morano, may palatandaang pinatay sa sakal ang biktima dahil bumakas ang mga kamay ng suspek sa leeg ng biktima.
Inaalam din ng pulisya kung hinalay ang biktima sa loob ng banyo dahil halos naibaba ang pantalon ng dalaga at nakagapos ang mga kamay nito at may takip ng panyo sa bibig.
Napag-alamang ninakaw pa ng suspek ang mga alahas ng biktima bago nagtangkang tumakas, subalit nasukol ng pulisya at narekober ang mga nilinas na pag-aari ng dalaga.
Umamin naman ang suspek na gumagamit siya ng bawal na gamot kaya nagawa ang brutal na krimen.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa himpilan ng pulisya habang inihahanda ang pormal na pagsasampa ng kaukulang kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest