Sanitary landfill sa Cavite, magpapalago ng ekonomiya
November 2, 2006 | 12:00am
TRECE MARTIRES CITY, Cavite Malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng Cavite ang napipintong pagtatayo ng solid waste processing facility with sanitary landfill sa Ternate sa darating na panahon.
Ito ang naging pahayag ni Cavite Gov. Ayong Maliksi na nagsusulong sa katuparan ng proyekto na pagdadalhan ng toneladang basura mula sa mga kabahayan sa buong Cavite.
Naniniwala si Maliksi na ang pagtatayo ng sanitary landfill ay mawawala ang mga open at controlled dumpsites maging ang mga nagkalat na basura kung kayat maraming turista at negosyante ang mahihikayat na magtayo ng negosyo dahil sa magiging garbage-free ang Cavite.
Ayon sa pamunuan ng Environsave, Inc. sa pangunguna ng general manager na si Ray Guillermo, kabilang sa itatayong pasilidad ay ang Material Recovery Facilities (MRF) na maghihiwalay ng mga basurang muling magagamit (recycle).
Labinlimang porsiyento lamang sa mga basurang hindi mabibilang sa nasabing kategorya ang mapupunta sa sanitary landfill.
"Mas maayos na pagpapatupad ng Republic Act 9003 at ang pagbubukas ng maliliit na negosyo gaya ng pagbebenta ng mga recycled products" pahayag pa ni Gob. Maliksi.
"Maraming benepisyo ang maibibigay at kung nangangamba ang mga residente ng Ternate sa polusyong maidudulot ng sanitary landfill ay mas higit na dapat silang mangamba sa masamang epekto sa kalusugan ng kasalukuyang open dumpsite kaya hinihikayat ko ang mga Kabitenyo na samahan ako sa layuning magkaroon ng malinis at maunlad na Cavite sa pamamagitan ng sistemang naayon sa Republic Act 9003," dagdag pa ni Maliksi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Jorge Hallare | 13 hours ago
Recommended