November 1, 2006 | 12:00am
Mag-amang trader pinugutan
CAMP RAFAEL RODRIGUEZ, Butuan City Bayolenteng kamatayan ang inabot ng mag-amang wood trader/contractor makaraang holdapin ng mga maskaradong kalalakihan ay pinugutan pa ng ulo kahapon sa Road 7D-1, Kilometer 19 sa loob ng PICOP concession area sa Barangay San Jose, Bislig City. Kinilala ng pulisya ang mag-amang pinaslang na sina Nestor Blanco Pareja, 51 at anak si Villane Lamoste Pareja, 30, pawang naninirahan sa Sta. Maria, Trento, Agusan del Sur. Sa ulat ni P/Chief Supt. Alberto Dator Nanas, Caraga police regional director, ang mag-ama ay sakay ng motorsiklo papauwi mula sa PICOP office sa Bislig City nang harangin ng mga armadong kalalakihan na naka-bonnet. Matapos na limasin ang malaking halaga na ibinayad ng mga kliyente ay magkasunod na pinugutan ng ulo kahit na nagmamakaawa ang mga biktima. Nakarekober ang pulisya sa crime scene ng cigarette butts, caps, sunglasses at ilang gamit ng mga biktima na may palatandaan din na pinahirapan muna bago pinatay.
(Ben Serrano)
Anak itinapon ng ina sa ilog |
RODRIGUEZ, Rizal Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan ang katawan ng isang 5-anyos na batang lalaki na itinapon ng sariling ina na may sayad sa pag-iisip sa ilog kamakalawa ng umaga sa Sitio Saba, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal. Ang biktimang sa pangalang "Junior" ay itinapon ng suspek na si Norma Mantawil, 20, dakong alas-9:30 ng umaga. Sa pagsisiyasat ni PO2 Marlyn Jepa, nabatid na bigla na lang kinuha ng suspek ang biktimang naglalaro at walang sabi-sabing inihagis ito sa nasabing ilog at dahil sa patuloy na pag-ulan at lakas ng agos ng tubig ay agad itong lumubog. Mabilis pang isinunod ng suspek ang kanyang 2-anyos na anak at akmangg itatapon din sa ilog, subalit naagapan ito ng mga kapitbahay na mabilis na sumaklolo sa insidente. Ayon sa pulisya, posibleng sinumpong ang suspek na naging pasyente ng National Center for Mental Health( NCMH) sa Mandaluyong City.
(Edwin Balasa)
dedo sa sumabog na granada |
3
CAMP CRAME Lasog ang katawan ng tatlo-katao kabilang ang isang dating kawal ng Philippine Marines makaraang sumabog ang granada na ihahagis sana sa bilyaran sa Barangay Putik, Zamboanga City kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang mga nasawi na sina si ex- Master Sgt. Benjamin Rivera, Ryan Wee, 21 at George Manicap, 36. Kabilang sa mga grabeng nasugatan ay Nenita Rivera, misis ng ex-Marines at anim pang iba. Sa ulat ni P/Chief Supt. Jaime Caringal, nairita si Rivera dahil sa ingay ng mga nagbibilyar ay hindi ito makatulog kaya kinuha nito ang granada para ihagis sa bilyaran. Akmang ihahagis sana ni Rivera ang granada sa bilyaran, subalit pinigilan ng kaniyang misis kung saan ay nagkaroon pa nang pagtatalo hanggang sa umalingawngaw ang malakas na sabog. Nabatid na ang nasabing retiradong sundalo ay dumanas ng post traumatic disorder na mas lalong kilala sa bansag na warshock at minsan na ring nagkasakit ng malaria kung saan ay tinangka nitong mag-suicide.
(Joy Cantos)