UST coed nakapuga sa mga kidnaper
November 1, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Himalang nakapuga mula sa mga kidnaper ang isang estudyante ng University of Sto. Tomas na dinukot ng armadong kalalakihan sa harapan ng nasabing unibersidad sa Maynila noong Biyernes bago dinala sa Baguio City kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang nakaligtas na biktimang 17-anyos na si Rhea Rose Berroy, 17, samantalang tugis naman ng pulisya ang tatlong kidnaper.
Sinabi ni P/Senior Supt. Moises Guevarra, officer-in-charge sa Baguio City PNP, ang biktima ay kasalukuyang binabantayan ng mga pulis at ng kaniyang mga magulang na dumating mula Maynila sa Baguio City General Hospital na bagaman hindi naman hinalay ay dumanas ng matinding trauma.
"We just had a meeting with the different team leaders awhile ago and we are still trying to determine the motive behind her (victim) kidnapping. Although she was not raped, she is still very weak and under trauma due to her ordeal so we decided to allow her to rest in the meantime," dagdag pa ni Guevarra.
Napag-alamang kinidnap ang biktima ng tatlong hindi pa nakilalang kidnapper sa harapan ng UST campus sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 27 at puwersahang isinakay sa kulay maroon na van bago dinala sa Baguio City saka inilipat sa La Trinidad, Benguet kung saan ikinulong ito sa bodega.
Nakatiyempo naman makatakas ang biktima at sumakay ng jeepney saka bumaba sa bahagi ng Bokawkan Road ng nasabing lungsod at humingi ng tulong sa kaniyang kaibigang si Rhea Alconis na tumawag naman sa pulisya. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest